Kaso ng COVID-19 sa Pasay, 86 na!

Muling nadagdagan ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Pasay City.

Batay sa inilabas na COVID-19 update ng Pasay Public Information Office, mula sa walo na bilang ng mga nasawi sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa lungsod ay umakyat na ito sa 10.

Tumaas din ang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa lungsod mula sa 57 ay pumalo na ito ngayon sa 86.


Samantala, magandang balita naman dahil mula sa dating bilang na 303 ng persons under monitoring (PUMs) o suspect sa Lungsod ng Pasay, bumaba na ito sa 42.

Habang ang bilang ng persons under investigation (PUIs) o probable na dating 38 ay bumaba na sa siyam na lamang.

Facebook Comments