Kaso ng COVID-19 sa Pasay City, muling tumaas ng higit 20

Muling tumaas ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay.

Ito’y matapos makapagtalag ng siyam na bagong kaso kung saan nasa 29,649 na ang naitalang kumpirmadong kaso.

Nakapagtala naman ng lima ang nadagdag sa mga gumaling kaya’t nasa 29,033 na ang bilang ng mga nakakarekober.


Nananatili naman sa 590 ang bilang ng nasawi habang ang mga naitalang kumpirmadong kaso ay patuloy na minomonitor ng Pasay City Disease and Surveillance Unit.

Ang mga pasyente naman na tinamaan ng COVID-19 mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod, gayundin ang kanilang pamilya ay tumanggap ng food packs mula sa lokal na pamahalaan ng Pasay.

Ito’y bilang tulong at suporta ng Pasay Local Government Unit (LGU) para sa mabilisang paggaling ng mga pasyente at ang kaligtasan ng bawa’t isa.

Facebook Comments