Umaabot na sa higit 20 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lungsod ng Pasay.
Sa inilabas na datos ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, pumalo na sa 23 ang nahawaan ng COVID-19.
Sa kabuuan, nasa 28,977 ang bilang ng tinamaan ng nasabing sakit kung saan 28,367 ang mga naka-recover.
Nananatili naman sa 587 ang bilang ng nasawi.
Ang mga positibong indibidwal ay patuloy na minomonitor ng Pasay Local Government Unit (LGU) kung saan bawat isa sa kanila gayundin ang kada miyembro ng pamilya ay pinadalhan ng mga food packs.
Matatandaan na June 6, 2022 ng makapagtala ang lungsod ng Pasay ng zero cases ng COVID-19 kung kaya’t patuloy na pinapayuhan ang mga residente na mag-doble ingat upang hindi na kumalat pa ang nasabing sakit.