Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mahigit 14,000 na

Pumalo na sa mahigit 14,000 ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 258 panibagong kaso ng nakahahawang sakit ngayong araw.

Dahil dito, sumampa na sa 14,035 ang COVID-19 cases sa bansa.


Pinakamarami sa panibagong kaso ay naitala sa National Capital Region (NCR) na nasa 195.

Umabot naman sa 3,249 ang gumaling mula sa sakit matapos makapagtala ng 72 new recoveries.

Lima naman ang nasawi ngayong araw dahilan para umakyat sa 868 ang COVID-19 death cases.

Samantala, nadagdagan ng isa ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na nagpositibo sa virus, isa ang gumaling habang tatlo ang nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 2,523 ang kabuuang kaso ng mga Pilipino sa iba’t ibang bansa na tinamaan ng sakit; 879 ang naka-recover at 294 ang nasawi.

Nasa 1,350 naman ang patuloy na nagpapagaling.

Facebook Comments