Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 18,000 – DOH

Umakyat na sa 18,086 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kasabay ng pagpapatupad ng General Community Quarantine sa Metro Manila.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 862 ang naitalang bagong kaso. 16 dito ay fresh cases o newly validated at 846 ang late cases.

Nasa 3,909 ang bilang ng mga gumaling habang nasa 957 na ang namatay.


Umabot naman sa 12,466 ang sumasailalim sa treatment o quarantine, kung saan 94% ay mild cases, 680 ang asymptomatic, habang 55 ang severe at 18 ang nasa critical condition.

Ang bansa ay mayroong 37 certified Polymerase Chain Reaction (PCR) facilities at 11 GeneXpert laboratories kung saan nasa 318,356 individuals na ang sumailalim sa test.

Una nang sinabi ng DOH na asahan ang pagtaas ng bagong kaso ng COVID-19 dahil sa pinaigting na testing at case validation capacity.

Facebook Comments