Kaso ng COVID-19 sa PNP, patuloy na bumababa

Nakapagtala na lamang ng walong kaso ng COVID-19 ang Philippine National Police (PNP) kahapon.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander PLt. Gen. Joselito Vera Cruz, malaking tulong sa pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay ay dahil sa istriktong pagsunod sa minimum public health standard at ang patuloy na pagbabakuna sa PNP.

Nang magsimula naman ang pandemya ay 48,729 PNP personnel ang nagkaroon ng COVID-19 pero sa bilang na ito, 48,336 na ang gumaling.


Samantala, kahapon may 265 ang total active cases sa PNP habang may 128 na PNP personnel ang namatay dahil sa nasabing sakit.

Facebook Comments