Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, patuloy na tumataas ayon sa QC DRRMO

Inihayag ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na nasa 113 na ang naitalang  bilang  ng  COVID-19 cases sa Quezon City (QC).

Ayon sa QC Disaster Risk Reduction and Management Office, as of 7 kagabi nadagdagan pa ng siyam na kaso ng COVID-19 mula sa Barangays Masambong, Sto. Cristo sa District 1, Barangay Batasan sa District 2, Barangay Libis at Barangay Matandang Balara sa District 3, Barangay, Kristong Hari at Barangay Sikatuna Village, at Barangay Pasong Tamo sa District 6.

Nadagdagan din ng 2 pa ang bilang ng mga nasawi na abot na sa 19 at 9 ang nakarekober at gumaling na.


Sa kabuuan, may 59 Barangay na sa lungsod ang apektado ng COVID-19.

Base sa Datus ng QC DRRMO, abot na sa 17 Barangay ang isinailalim ng pamahalaang lungsod sa Extreme Enhanced Community Quarantine (EECQ).

Ipinatutupad ito sa nga Barangay kapag may dalawa o higit pa na confirmed cases ng COVID-19  sa  magkakaibang  kalye o sa masisikip na Urban Poor Areas kung saan mabilis ang posibilidad ng  transmission  ng nakalahawang sakit.

Facebook Comments