Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, pumalo na sa 31,392

18

Nadagdagan pa ng 62 ang bilang sa loob lang ng isang araw ang COVID-19 cases sa Quezon City.

Abot na sa 31,392 ang kaso ng COVID-19 sa lungsod hanggang kahapon.


Base sa datos ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), nadagdagan din ng 13 ang bilang ng active cases na abot na sa 992 na pasyente.

Mula February 13 hanggang kahapon, may tatlo pang nadagdag na recoveries na umabot na sa 29,527 o 94 % sa kabuuang bilang. Habang nasa 828 na ang mga pumanaw matapos madagdagan pa ng isa.

Pero sabi ng CEDSU, napanatili ng mababa ang active cases ngayon sa lungsod kumpara sa 1,108 na huling naitala noong February 2 ngayong taon.

Facebook Comments