Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, tumataas

46

Inihayag ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na patuloy ang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Batay sa datos ng OCTA Research, mula sa 72 average cases noong nakaraang linggo ay nasa 119 cases na ito ngayon.

Tumaas din ang positivity rate sa 8.4% mula sa 6.3%.


Nagkaroon din ng bahagyang pagtaas sa reproduction number ng Quezon City na ngayon ay nasa 1.65 mula sa 1.48 noong nakaraang linggo.

Sa kabila ng pagtaas ng mga datos ay nananatiling mababa ang risk level sa lungsod.

Sa datos ng QC LGU, umabot na sa 265,062 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.



Facebook Comments