Cauayan City, Isabela- Muling tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development as of January 16,2022, sumipa sa 6,054 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon sa loob lamang ng isang araw mula sa dating bilang na 5,639.
Ito’y matapos madagdagan ng 559 na panibagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Bukod sa mga naitalang bagong kaso, nakapagtala rin ang rehiyon ng 138 na bagong gumaling at limang (5) namatay.
Umaabot naman sa 131,618 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 at 5,099 naman ang total ng nasawi sa nasabing sakit.
Sa kasalukuyan, pumapalo na sa 142,858 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos.
Facebook Comments