Kaso ng COVID-19 sa Region 2, Sumampa na sa 1, 507

Coronavirus blood test . Coronavirus negative blood in laboratory.

Cauayan City, Isabela- Umabot na sa 1, 507 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lambak ng Cagayan matapos madagdagan ng maraming panibagong kaso.

Sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of September 21, 2020, nakapagtala muli ang rehiyon dos ng bagong 24 na COVID-19 Positive sa loob lamang ng isang araw habang nasa labing pito (17) naman ang nakarekober.

Apat (4) ang muling naitala ng probinsya ng Cagayan, labing dalawa (12) sa Isabela, tatlo (3) sa Santiago City at lima (5) sa probinsya ng Nueva Vizcaya.


Dahil dito, umakyat sa 361 ang total cases ng Cagayan, 574 sa Isabela, 78 sa Santiago City, 489 sa Nueva Vizcaya, lima (5) sa Quirino at nanatili pa rin na walang naitalang kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Batanes.

Mula sa total cases sa rehiyon, 522 dito ang aktibo, 961 ang nakarekober at 24 ang namatay.

Facebook Comments