KASO NG COVID-19 SA REGION 2, SUMAMPA SA 1,117

12

*Cauayan City, Isabela- *Umakyat sa bilang na 1,117 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan matapos madagdagan ng 52 na panibagong kumpirmadong kaso.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH 2, sa bilang na naidagdag sa mga tinamaan ng virus ay siyam (9) ang mula sa probinsya ng Cagayan, labing walo (18) sa Isabela, dalawa (2) sa Santiago City.

Pinakamarami namang nakapagtala ng panibagong kaso ang Lalawigan ng Nueva Vizcaya na may dalawamput tatlo (23).

Kasabay ng pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19, mayroon namang nakarekober na dalawamput dalawa (22).

Isa (1) rito ay mula sa Cagayan, labing dalawa (12) sa Isabela, at apat (4) sa Nueva Vizcaya.

Nananatili namang COVID-19 free ang probinsya ng Batanes.

Mula sa total cases na 1,117 sa rehiyon, 374 dito ang active cases, 728 total recoveries at 15 ang nasawi.




Facebook Comments