Kaso ng COVID-19 sa Region 2, Umakyat sa 973

3D illustration

Cauayan City, Isabela- Pumalo na sa 973 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos base sa pinakahuling datos ng DOH.

Sa pinakahuling naitala, tatlumput apat ang naidagdag na bagong positibong kaso, sampu ang nakarekober at isang nasawi mula sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Nananatili namang COVID-19-free ang Lalawigan ng Batanes.


Mula sa 973 na kaso, 355 dito ang active cases, 607 ang nakarekober na sa sakit at labing isa na ang nasawi.

Facebook Comments