Kaso ng COVID-19 sa Rehiyon 2, Nadagdagan

Cauayan City, Isabela- Nagpapatuloy ang mga naitatalang positibong kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, nakapagtala ng dalawampu’t limang (25) bagong kaso ng COVID-19 ang rehiyon na nagdadala na sa kabuuang bilang 2,928.

Mula sa bilang na 25 new confirmed cases, labing isa (11) ang naitala sa Isabela, dalawa (2) sa Santiago City, at labing isa (11) rin sa Nueva Vizcaya.


Kasabay ng mga bagong naitalang kaso, nadagdagan rin ang bilang ng mga nakarekober sa sakit kung saan nakapagtala ng tatlo (3) ang Cagayan, anim (6) sa Isabela, isa (1) sa Santiago City at dalawa (2) sa Nueva Vizcaya.

Pero, bagamat may mga bagong gumaling sa virus ay nakapagtala naman ang rehiyon ng isa (1) pang kaso ng nasawi.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 44 ang total deaths cases sa rehiyon, 330 active cases at 2, 554 ang total recovered cases.

Facebook Comments