KASO NG COVID-19 SA REHIYON DOS, PUMALO NA SA HIGIT 91,000

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa mahigit 91,000 ang bilang ng kaso ng COVID-19 na naitala sa buong Lambak ng Cagayan.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 as of September 18, 2021, mayroon ng 91,653 na kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kabilang na ang 1,447 na naitalang bagong kaso.

Mayroon namang 662 na naitala ang rehiyon na gumaling mula sa sakit at 43 na bagong bilang ng mga pumanaw.


Sa kasalukuyan, mayroon 10,241 aktibong kaso ng COVID-19 ang rehiyon dos.

Mula sa naitalang total confirmed cases ng nasabing sakit sa rehiyon, 78,632 rito ang gumaling habang nasa 2,748 na ang naitalang total related deaths.

Facebook Comments