Kaso ng COVID-19 sa San Pedro, Laguna, walo na!

93

Tatlong bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayong araw sa San Pedro, Laguna.


Ayon kay Mayor Lourdes Cataquiz, si patient 6 ay 59-anyos na lalaki mula Barangay United Better Living. Taga-barangay San Antonio naman si patient 7, isang 45-anyos na lalaki at mula Barangay Pacita II si patient 8, 42-anyos na babae.

Tine-trace na ng City Health Office ang mga nakasalamuha ng tatlo.

Sa ngayon, walo na ang kaso ng COVID-19 sa San Pedro, 58 ang PUI at 147 ang PUM.

Facebook Comments