Umabot na ng 1,420 ang kabuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig.
Ito’y matapos madagdagan ng 73 na mga bagong pasyente na infected ng virus ngayong araw ang lungsod.
Batay sa tala ng Taguig City Governement, ito ay mula sa Barangay ng Bagumbayan, Bambang, Hagonoy, Ligid-Tipas, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, Sta. Ana, Fort Bonifacio at Maharlika Village.
Kabilang din dito ang Barangay Tuktukan, Ususan, Wawa, Central Bicutan, Fort Bonifacio, Maharlika Village, North Siganal, Pinagsama, South Daang Hari, South Signal, Tanyag at Western Bicutan
Nasa dalawampu’t tatlo (23) na ang mga nasawi, habang nasa 186 naman ang mga gumaling na sa sakit na dulot ng virus.
Umabot na rin sa 3,753 ang kabuuang bilang ng suspected cases ang lungsod mula noong nagkaroon ng unang kaso ng Coronavirus ang lungsod.
Una nang sinabi ng Taguig City Government na ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ay dahil sa massive COVID-19 testing na ginagawa ng Local Health Department ng naturang lungsod.