Kaso ng COVID-19 sa Taguig City, nadagdagan pa ng 3

Kinumpirma ng Taguig City Health Office o CHO na mayroong tatlong bagong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa lungsod.

Ito ay batay sa pinakabagong tala ng CHO pasado alas-8:00 kagabi.

Kaya naman umabot na ang 138 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.


Ang nasabing tatlong bagong pasyente ng virus ay nag mula lamang sa Brgy. Western Bicutan, lungsod ng Taguig.

Nasa 10 na pasyente ng COVID-19 ang nasawi sa Taguig at 11 naman ang mga gumaling mula sa sakit na dulot ng virus.

Samantala, meron naman na 345 suspek COVID-19 cases at 103 na suspek cases under active monitoring.

May apat na barangay sa Taguig ang mayroong mahigit sa 10 na COVID-19 positive kung saan na ngunguna ang Fort Bonifacio na mayroon 33, pumangalawa naman ang West Bicutan at Pinagsama na may tig 13, at 11 sa Lower Bicutan.

Facebook Comments