Kaso ng COVID-19 sa Visayas, bumababa na; pero DOH, nakatutok pa rin kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa Visayas.

Pero aminado si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi pa rin sila kampante at mino-monitor nila kung magpapatuloy ang pagbaba ng COVID cases sa Visayas.

Kinumpirma rin ng DOH na ang national positivity rate ng COVID ay umakyat sa 10.53% nitong July 2 mula sa 6.67% nitong June 29, 2020.


Nilinaw naman ng DOH na ang pagtaas ng kaso ng virus sa mga nakalipas na linggo ay bunga ng patuloy na verification process sa mga laboratories.

Batay datos ng DOH nitong July 4, 2020, mayroon nang kabuuang 75 COVID-19 testing laboratories sa bansa.

Kinumpirma rin ng DOH na 127 na mga dayuhan sa bansa ang nagkaroon ng COVID-19 kung saan 74 sa mga ito ay gumaling na, 45 ang patuloy na ginagamot at walo (8) ang binawian ng buhay.

Tinukoy din ng DOH ang mga ospital sa Metro Manila na may 100% utilization rate ng kanilang COVID-19 ICU beds kabilang ang:
• Philippine Children’s Medical Center
• Metro North Medical Center Hospital
• Las Piñas Doctors Hospital
• De Los Santos Medical Center
• Capitol Medical Center

Bukod naman sa Chinese General Hospital, ang mga ospital na nagreport sa DOH ng kanilang 100% utilization rate ng COVID-19 ICU beds ay ang:
• Veterans Memorial Medical Center
• UST Hospital
• University of Perpetual Help
• Tondo Medical Center
• Siemens Hospital

Facebook Comments