Nakitaan nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang probinsya sa labas ng Metro Manila.
Batay sa January 22, 2021 report ng OCTA Research Team, tumaas ng 30 percent ang COVID-19 cases sa mga probinsya ng Cebu, Benguet, Leyte, Zamboanga del Sur, Mountain Province, Cagayan, at Kalinga.
Ito ay dahil na rin sa nagdaang holiday season sa bansa.
Naitala rin ng 20% positivity rate sa Cordillera Administrative Region, mas mataas ng 5% sa recommended standard ng World Health Organization.
Habang nasa 15% o mas mataas pa ang positivity rate sa Cagayan.
Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Guido David, nababahala siya sa pattern ng pagtaas ng COVID-19 cases sa northern provinces kung saan pareho ng bilis ng pagtaas ng kaso nito sa mga bansang may bagong variant ng COVID-19.
Binigyan diin ni David na ang Pinay na nagpositibo sa United Kingdom variant sa Hong Kong ay galing ng Cagayan.
Samantala, naitala rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cebu at Zamboanga del Sur.