Kaso ng COVID-19 UK variant sa bansa, nadagdagan ng 18 – DOH

Labing-walong (18) karagdagang kaso ng B-1-1-7 o COVID-19 UK variant ang naitala sa bansa.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health, UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health.

Ayon sa DOH, 13 sa mga bagong kaso ay returning overseas Filipino workers (OFWs) na dumating sa bansa noong January 3 hanggang 27.


Tatlo naman ay mula sa Cordillera Administrative Region kung saan dalawa ay kapwa 12-anyos na lalaki na konektado sa mga naitalang kaso sa Bontoc, Mountain Province.

Habang ang isa ay 46-anyos na ginang na konektado sa unang La Trinidad cluster.

Dahil dito, aabot na sa 62 ang kabuuang kaso ng UK variant sa Pilipinas.

Facebook Comments