Kaso ng COVID sa pagtatapos ng holiday season, hindi na tataas sa 5,000 ayon sa isang infectious diseases expert

Wala nang nakikitang matinding pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng holiday season.

Ito ang projection ni Dr. Rontgene Solante, infectious diseases expert.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Solante na tataas pa rin ang kaso ng COVID-19 dahil sa kaliwa’t kanang pagtitipon dahil sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon pero hindi na ito aabot sa 25,000 hanggang 30,000 katulad noong buwan ng Enero nang kasalukuyang taon dahil sa Omicron variant.


Medyo mataas na raw kasi ang population immunity dahil marami na ang nabakunahan at nakatanggap ng booster doses.

Sinabi pa ni Dr. Solante na sa ngayon ay may nagkakasakit pa rin ang BQ.1 BA.5 at XBB variant ng COVID pero ang mahalaga ay hindi napupuno ang mga ospital, indikasyon aniya na maganda ang population immunity.

Kung ma-admit naman daw sa ospital ang malimit na dahilan ay complications ng COVID.

Facebook Comments