Nakitaan ng pagtaas ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Pangasinan.
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nakapagtala ng 92% na one-week growth rate ang naturang probinsya, habang tumalon naman sa 10.9% ang positivity rate nito noong Setyembre 12, mula sa 6.9% noong Setyembre 10.
Bumilis din ang reproduction number na nasa 1.40 na, mula sa 1.10, pero nananatili namang mababa ang average daily attack rate o ADAR na 2.18 per 100,000 population.
Sa kabila nito, nasa low risk status pa rin sa COVID-19 ang probinsya ng Pangasinan.
Facebook Comments