Kaso ng cyber bullying sa bansa nitong 2016, halos doble ang itinaas

Manila, Philippines – Tumaas ng halos 80 percent ang kaso ng cyber bullying nitong nakalipas na taon.

Batay sa datos ng PNP anti-cybercrime group – umabot sa 782 cyberbullying cases ang kanilang naitala noong nakalipas na taon, mas mataas ng 70.74 percent kumpara 458 insidente noong 2015.

Pinakamarami ang naitalang kaso ng online libel na nasa 498.


Sa unang quarter ng 2017, ipinabatid ng PNP anti-cybercrime group na nakapagtala na sila ng 142 kaso ng online libel, 41 online threats, 10 insidente ng unjust vexation at apat na kaso ng child abuse.

Facebook Comments