Umaabot ng 1, 597 na kaso ng cyber identity theft noong 2023 ang naitala ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).
Ayon kay PNP ACG Cyber Response Unit Chief PCol. Jay Guillermo mas mataas ito ng 12.2% kumpara sa 1, 402 na kaso na naitala noong 2022.
Ani Guillermo, 20 mga suspek na ang kanilang nahuli sa loob ng 2 taon sa pamamagitan ng regular filing, habang ang iba naman ay patuloy na iniimbestigahan.
Sa mga kasong nadulog sa ACG, ang iba ay nasa lalim ng criteria na beyond police control kung saan hindi nakipagtulungan ang complainant dahil sa kabiguang mag sumite ng requirement habang ang iba naman ay umatras.
Nabatid na ang cyber identity theft ay nangyayari kapag ang sensitibong impormasyon ng isang indibidwal ay kumalat sa pamamagitan ng phishing, scams o dahil sa pagdo-download ng malicious software.
Dahil dito, nako-kompromiso ang mga ATM ng mga biktima, nagkakaroon ng data breach sa mga website at naha-hack ang kanilang mga social media accounts.