Umuusad na ang imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) laban sa dayuhang nakuhanan ng cellphone video na nakikipag-pambuno sa pulis ng makati na unang sumita sa kasambahay nito dahil sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o ang hindi pagsusuot ng face masks sa labas ng kanilang bahay sa Dasmarinas Village sa Makati City.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, nasa intelligence division na ng BI ang kaso ng Spanish national na si Javier Salvador Parra para sa assessment at posibleng case build-up para matukoy kung mayroon itong nalabag sa immigration laws ng bansa.
Sinbi ni Sandoval na ang sinumang dayuhan na lulabag sa mga umiiral na batas ng Pilipinas partikular ang immigration laws ay mahaharap sa deportation.
Una nang inihayag ng BI na hindi exempted ang mga dayuhan sa ipinatutupad na (ECQ) protocols sa gitna ng banta ng COVID-19 pandemic.