Kaso ng Delta variant sa bansa, labing pito na!

Labing pito (17) na ang kaso ng Delta Coronavirus variant sa Pilipinas.

Ito ay matapos na magpositibo sa nasabing variant ang apat pang katao.

Ayon kay Department of Health Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergerie, tatlo sa apat na panibagong kaso ay mga Pinoy seafarers mula sa MV Eastern Hope na galing sa South Korea noong June 3, 2021.


Dalawa sa mga ito ay gumaling na habang nananatili sa ospital sa Metro Manila ang isa.

Ang pang-apat naman na kaso ay isang returning overseas Filipino na dumating sa bansa noong May 24, 2021 mula sa Saudi Arabia at gumaling na nitong June 10, 2021.

Sa ngayon ay isa pa lang ang naitalang nasawi ng DOH dahil sa Delta variant.

Facebook Comments