Kaso ng dengue, posible pang tumaas

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas pa ang kaso ng dengue ngayong Hulyo at Agosto.

Ayon kay DOH Spokesperson, Undersecretary Eric Domingo – hindi dapat magpakampante.

Sa ngayon sabi ni Domingo – wala pang kakulangan sa supply ng dugo sa mga pampublikong ospital dahil sa kaso ng dengue.


Pero hinikayat ni Domingo ang lahat na mag-donate ng dugo.

Handa naman ang PhilHealth na tumulong sa mga magkaka-dengue.

Ayon kay PhilHealth President CEO Ricardo Morales – sasagutin pa rin nila ang mga kaso ng dengue sa mga accredited hospital na lumagpas sa overbed capacity.

Ang mga pasyenteng naka-confine sa level 1 hanggang level 3 hospital ay maaaring makakuha ng 10,000 pesos na tulong habang 70,000 pesos naman ang makakakuha ng mga naka-confine sa mga primary care facilities.

Facebook Comments