Kaso ng dengue sa bansa, bumaba

Kasunod ng pananatili ng mga tao sa kani-kanilang mga tahanan at palaging paglilinis sa katawan bunsod ng COVID-19 pandemic, bumaba ang kaso ng dengue sa bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Ailene Espiritu, Department of Health (DOH) Disease Prevention and Control Bureau na simula Enero 1 hanggang Hunyo 15, 2021, nakapagtala ang ahensya ng 27,930 dengue cases sa buong Pilipinas na 48% na mas mababa kumpara sa datos noong nakalipas na taon.

Nakapagtala rin ng 104 na mga nasawi dahil sa dengue na kung ikukumpara noong kaparehong panahon ng nakalipas na taon ay mas mababa ng 43%


Tinukoy naman ng DOH ang Central Luzon na may 8,925 cases, CALABARZON 3,111 at Ilocos Region 2,910 ang may pinakamatataas na dengue cases sa bansa.

Samantala , muling paalala ng DOH sa lahat para sa mabisang panlaban sa dengue ay gawin ang 4S – search and destroy, seek early consultation, self-protection measures at support fogging/spraying.

Facebook Comments