Kaso ng dengue sa bansa – bumaba ng mahigit 30 porsyento, ayon sa Department of Health

Manila, Philippines – Bumaba ng 32 percent ang kase ng dengue sa bansa.

Batay sa datus ng Department of Health – mula sa 211,000 cases noong nakaraang taon, pumalo na lamang sa 143,902 ang naitalang kaso ng dengue nitong 2017.

Pero sa kabila nito, aminado ang DOH na hirap pa rin silang mapuksa ang nakamamatay na virus.


Sa nasabing rin datus, naitala ang may pinakamataas na kaso sa Central Visayas Region na pumalo 15.5%, central Luzon Region, National Capital Region, CALABARZON region at SOCCSKSARGEN region.

Facebook Comments