
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng mga kaso ng dengue sa bansa noong nakalipas na buwan.
Batay sa tala ng DOH, umabot lamang sa 7,471 ang naitalang kaso ng dengue mula Enero 4 hanggang Enero 24, 2026.
Mas mababa ito kumpara sa 25,652 na kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2025.
Sa kabila nito, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang pagdami ng kaso ng dengue.
Facebook Comments










