Kaso ng dengue sa bansa, bumababa na

Unti-unti nang bumababa ang kaso ng dengue sa bansa simula noong nakaraang buwan.

Ayon sa Department of Health (DOH), naitala ang 10.96% na pagbaba ng kaso ng dengue na katumbas ng 12,169 mula October 15 hanggang October 25.

Bahagyang bumaba ito kumpara sa 12,619 na kaso noong October 1 hanggang 14.


Wala na ring rehiyon sa Pilipinas ang nakapagtala ng pagtaas ng kaso sa nakalipas na anim na linggo mula October 1 hanggang November 11.

Tanging ang mga Region 2, 5 at 7 na lamang ang may mga naiulat na mga bagong kaso ng dengue sa nakalipas na apat na linggo.

Sa mga bagong kaso na ito, 614 ang namatay na katumbas ng 0.34% na fatality rate.

Facebook Comments