Kaso ng dengue sa bansa, higit 130,000 na! – DOH

Patuloy pa ring tumataas ang kaso ng dengue kahit idineklara na ng Department of Health (DOH) ang national dengue alert.

Base sa huling datos ng DOH, aabot na sa 130,463 dengue cases – kabilang ang 561 na namatay – mula Enero 1 hanggang Hulyo 13.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – nasa limang rehiyon na sa bansa ang lumagpas sa epidemic threshold.


Ito ay ang Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula.

Ang Mimaropa, Northern Mindanao, Soccsksargen at Bangsamoro Region ay nakakapagtala ng mataas na kaso ng dengue kumpara sa mga nagdaang taon.

Ang kaso ng dengue ay tumataas kada tatlong taon, hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa sa Asya.

Facebook Comments