Sumampa na sa higit 48,000 kaso ng dengue sa bansa.
Sa datos ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH), mula noong March 16, 2019 ay nasa 48,634 dengue cases na ang naitala.
Kabilang na rito ang nasa 184 na nasawi.
Mataas ito kumpara sa higit 28,000 kaso sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.
Ang Central Visayas pa rin ang may pinakamaraming kaso ng dengue na may 5,421, sumunod ang National Capital Region (NCR) na may 4,855, Calabarzon na may 4,815, Caraga na may 4,570 at Central Luzon na may 4,009.
Ang mga batang may edad lima hanggang siyam na taong gulang ay pinakaapektado ng dengue na may higit 12,000 kaso.
Facebook Comments