Kaso ng dengue sa bansa ngayong 2024, aabot na sa mahigit 70k -DOH

Patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo ay 5,368 ang dengue cases na naitala sa bansa.

Nakitaan din ng pagtaas ang ilang rehiyon sa banda gaya ng Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, Caraga, MIMAROPA at Northern Mindanao.


Sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 70,498 na ang kaso ng dengue sa pagpasok ngayong Hunyo.

197 naman ang napaulat na nasawi dahil sa sakit.

Facebook Comments