Kaso ng dengue sa bansa, patuloy na bumababa – DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mababang kaso ng dengue sa bansa.

Ayon kay Eileen Espiritu ng DOH Disease Prevention and Control Bureau, nasa 81-porsyento ang ibinaba ng kaso ng dengue noong 2020, na may 83,335 cases at 324 ang namatay.

Mababa kumpara sa 437,563 cases at 1,689 ang namatay noong 2019, kung saan idineklara ang national dengue epidemic sa bansa.


Ngayong taon, aabot pa lamang sa 21,478 ang kaso ng dengue sa bansa mula noong Abril, at 80 ang namatay.

Umaasa ang DOH na mapapanatili ang downward trend hanggang katapusan ng taon.

Panawagan ng DOH sa lahat na sundin ang 4S strategy:
– Search and Destroy Mosquito breeding sites
– Self-Protection
– Seek Early Consultation
– Support Fogging / Spraying on hotspot areas

Dahil tag-ulan na, sinabi ni Espiritu na aktibo muli ang mga lamok kaya pinaghahandaan ng mga ospital ang mga posibleng magkasakit ng dengue.

Hinihikayat ng DOH ang publiko na gamitin ang iba’t ibang telemedicine hotlines.

Humihingi na rin ng tulong ang DOH sa iba’t ibang local government units (LGUs) sa pagpapalaganap ng impormasyon patungkol dito.

Facebook Comments