Kaso ng Dengue sa Cauayan District Hospital, Patuloy ang Pagtaas!

26

*Cauayan City, Isabela-* Patuloy pa rin ang pagtaas ng mga nagpopositibo sa sakit na dengue base na tin sa naitatala ng Cauayan District Hospital.


Sa ginawang follow up ng 98.5 iFM Cauayan sa nasabing ospital, pumalo sa 85 ang nagpositibo sa sakit na dengue simula pa kahapon at partikular na tinamaan ng sakit na ito ay pawang mga nasa hustong gulang na.

Maguguninita na mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon ay pumalo sa 274 ang kaso ng dengue kumpara noong taong 2018 na umabot lamang sa 63.

Mahigpit pa rin ang paalala ng pamunuan ng ospital na ugaliin ang paglilinis sa mga bakuran at huwag hayaan ang mga bagay na posibleng pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Facebook Comments