Kaso ng dengue sa ilang rehiyon sa bansa, mataas pa rin – DOH

Mataas pa rin ang kaso ng dengue sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III – laganap pa rin ang dengue sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region at Soccsksargen.

Kailangan aniya ng community participation para maiwasan ang pagkalat ng dengue.


Sa datos ng DOH, mula nitong May 25, 2019 ay umabot na sa 79,941 na kaso ng dengue.

Mataas ito kumpara sa 44,700 cases na naitala sa kaparehas na panahon noong 2018.

Facebook Comments