Nakitaan ng pagbaba ang kaso ng dengue sa Rehiyon ito ay Uno Department of Health Center for Health Development Ilocos Region (DOH-CHD-1).
Basa sa pinakahuling monitoring ng DOH-CHD-1 as of July 22, 2023, pumalo na sa 1,957 na kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 22 ngayong taon kung saan mas mababa ito ng 24% kumpara sa 2,567 kaso ang naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sa datos, nagtala ang lalawigan ng Pangasinan na may pinakamataas na bilang ng kaso na nasa 904, sinundan ng La Union na may 521 kaso, at Ilocos Norte ay may 400 at Ilocos Sur sa 132.
Sa nasabing bilang, pumalo na rin sa 12 ang namatay kung saan mataas ito kumpara sa siyam (9) na kaso namatay sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ang lalawigan ng La Union at Pangasinan ang nakapagtala ng nabanggit na bilang ng namatay sa sakit.
Sinabi ni DOH-CHD-1 regional director Paula Paz Sydiongco, na lahat ng pampublikong pasilidad sa kalusugan ay nasa ilalim ng code white status upang tumugon sa mga emergency at magbigay ng agarang tulong at serbisyo sa mga nangangailangan ng tulong pangkalusugan.
Ayon pa sa kanya na kung sakaling kailanganin ng mga lokal na pamahalaan ng bayan sa lalawigan ang mga kagamitan sa anti-water-borne disease at iba pang mga medikal na suplay ay nakalagay lamang sa lahat ng mga tanggapan ng DOH ng probinsya at mga health centers ng pamahalaang panlalawigan handang ipamahagi sa kanila.
Pinayuhan ni Sydiongco ang publiko na isagawa ang 4S, seek at sirain ang mga lugar na pinagmumulan ng lamok; humingi ng maagang konsultasyon mula sa mga eksperto sa kalusugan; ligtas na proteksyon sa sarili; at suportahan ang fogging o pag-spray para maiwasan ang dengue sa kapaligiran. |ifmnews
Facebook Comments