Umabot sa higit isang daang porsyento ang kaso ng mga tinatamaan ng dengue sa Rehiyon 1 ayon sa Center for Health Development 1.
Base sa pinakahuling tala ng DOH-CHD1, 115% ang itinaas ng kaso ng dengue sa rehiyon simula nitong Enero hanggang sa pinakahuling araw ng Hulyo ngayon taon kung saan mayroon NANG naitatalang 4, 774 na kaso samantalang mayroon lamang 2, 216 ang tinamaan noong taong 2020.
Ayon sa pamunuan ng CHD1, bahagyang natapyasan ang bilang ng tinatamaan ng sakit na dengue dahil sa pagpapatupad ng malawakang lockdown sa buong bansa at nanatili lamang ang mga tao sa loob ng kanilang tahanan at may oras sila pa sila sa paglilinis sa kanilang paligid dahilan para mas pagbaba ang kaso ng sakit.
Sa walong buwang nakalipas ngayong taon, muli na namang tumaas dahil sa muling pagluwag ng mga restrictions kung saan mas marami na naman ang lumalabas sa kanilang tahanan.
Samantala, paalala naman ng kagawaran sa publiko na huwag kalimutan ang mga paraan gaya ng search and destroy sa mga tirahan ng mga lamok o mga lugar kung saan madalas nananatili ang mga ito.