Tumaas ang kaso ng dengue sa barangay Lucao District Dagupan City kumpara noong nakaraang taon ayon yan sa City Health Office ng Dagupan City.
Ayon kay City Health Officer Opal Ticsay binabantayan nila ang barangay lucao na mayroong tiantayang 75% na kaso. Kabilang din ang Bonuan Gueset at Pantal sa mga barangay na may mataas na kaso ng dengue sa siyudad.
Paalala ng CHO na panatilihin ang kalinisan at sirain ang mga pinangingitlugan ng mga lamok gaya ng lumang gulong sa bubong , timba , flower vase at mga maari pang pangitlugan ng lamok. Isama na rin ang paglilinis sa loob at labas ng bahay upang maalis ang pinagtataguan ng mga lamok.
Mas mataas parin ang kaso ng respiratory infection sa buong Dagupan kumpara sa dengue.
Photo credited to Google Images