Kinumpirma ng Muntinlupa City Local Government Unit (LGU) na umabot sa kabuuang 91 ang bilang ng mga naitalang kaso ng Dengue sa lungsod ng Muntinlupa.
Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, sinasabing kahit hindi pa nakaaalarma ang bilang ng mga kaso ng Dengue sa lungsod ay tinitiyak pa rin nito na dapat sundin ng mga residente ang mga paalala laban sa sakit na dala ng lamok.
Paliwanag ng alkalde, ang Muntinlupa City ay napapaligiran ng lawa ng Laguna Lake kung saan walo mula sa siyam na baranggay rito ay nasa tabi lamang ng lawa.
Kaya naman aniya hindi lang ang pagbaha ang ikinababahala ng mga residente kundi ang sakit na maidudulot nito.
Dagdag pa ng alkalde, ang pagtaas ng bilang ng Dengue cases sa Pilipinas, isa ang Muntinlupa city sa sumusunod sa mga paalala ng Department of Health (DOH).
Matatandaan muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga LGUs na mahigpit na pagsunod sa mga paalalang pagkalusugan laban sa sakit na Dengue kung saan 90% na mas mataas ito kumpara sa mga kasong naitala sa kaparehong panahon noong 2021.