Kaso ng Dengue sa Metro Manila, tumaas pa, DOH

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng Dengue sa Metro Manila.

Sa datos Quezon City Government, mula Enero hanggang Agosto 10 ay aabot na sa higit 3,500 kaso ang naitala sa lungsod.

Sa tala naman ng Department of Health (DOH) mula Enero hanggang Agosto 3, tumaas ng 102% ang kaso ng Dengue sa Taguig City  kung saan umabot na sa 550 kaso.


Nasa 513 cases na rin ang naitala sa malabon, 386 cases sa Mandaluyong, 315 sa Muntinlupa, 430 sa Makati, 142 cases sa Navotas, 839 cases sa Parañaque, 375 cases sa Las Piñas, 284 sa Pasay, at 93 cases sa San Juan.

Sa kabuoan ay aabot na sa 10,349 cases ang naitala sa buong National Capital Region.

Pagtitiyak ni Health Sec. Francisco Duque III, handa ang mga ospital na tugunan ang mga ito.

Makikipagpulong ang DOH sa Metro Manila Mayors para ilatag ang mga hakbang para agapan ang paglobo ng kaso ng Dengue.

Facebook Comments