Pumalo na sa 6,382 ang bilang ng kaso ng dengue sa National Capital Region (NCR) mula Enero 1 hanggang Hulyo 13.
Mas mataas ito ng 35% kumpara sa naitalang 4,716 dengue cases sa kaparehong panahon noong 2021.
Dahil dito umapela ang Department of Health (DOH) sa publiko na dapat idulog kaagad sa mga pagamutan kung anong sintomas ng sakit ang mararanasan.
Ayon sa DOH, delikado ang dengue kapag hindi naagapan at posibleng ikamatay ito ng pasyente.
Sa kabilang banda, inamin din ng ahensya na hirap sila sa pagkakasabay ng pagtaas ng COVID-19 at dengue kung saan ilan sa mga sintomas nito ay magkaparehas katulad na lamang ng lagnat.
Facebook Comments