Bahagyang tumaas ang kaso ng sakit na dengue sa Pangasinan ng 2. 5 na porsyento mula Enero hanggang ngayong Oktubre ng taon.
Sa tala ng Pangasinan Health Office o PHO 7, 566 ang kaso nito ngayong taon mas mataas kumpara noong nakaraang taon na 7, 376 sa parehas na taon.
Ayon kay Kimpee Cruz, nurse ng PHO, 11 na nasawi sa nasabing sakit na mula sa Anda, Bolinao, Malasiqui, Villasis, Balungao, San Quintin at Tayug.
Agosto ang may pinakamaraming kaso ngayong taon na pumalo sa 2, 052 at bumaba sa buwan ng setyembre na mayroong 1, 863.
Samantala, hinikayat ng ahensya na ipagpatuloy ang kalinisan sa kapaligiran at gawin ang 4’s kontra dengue na search and destroy mosquito breeding places, practice secure self-protection measures, seek early consultation at support fogging.
Kaso ng Dengue sa Pangasinan bahagyang tumaas
Facebook Comments