Bumaba ang bilang ng kaso ng dengue sa Pangasinan ngayong taon, ayon sa Provincial Health Office.
Sa datos na ibinahagi ng PHO sa IFM Dagupan, nakapagtala ang probinsiya ng 2, 150 na kaso ng dengue mula 1 ng Enero hanggang 19 ng Setyembre.
Ito ay mas mababa 49% na mas mababa sa 4, 250 na kaso sa kaparehong panahon noong 2021. Bagamat mababa ang naitalang kaso, tumaas naman ng 40% ang nasawi dahil sa dengue na nasa pito (7) kumpara sa limang naitala noong nakalipas na taon.
Pinakabatang nasawi dahil sa sakit ay isang apat na taong gulang na mula sa Urdaneta City.
Patuloy ang pagpapaalala ng ahensya sa mga Pangasinense na agad na kumunsulta sa mga ospital kung makaramdam ng sintomas ng sakit maging sa pagsunod sa 4S kontra dengue. | ifmnews
Facebook Comments