KASO NG DENGUE SA PANGASINAN, BUMABA NG HALOS 30%

Inihayag ng tanggapan ng Provincial Health Office ang naitalang pagbaba sa kaso ng Dengue sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Dr. Anna Teresa De Guzman, Provincial Health Officer, nasa 1,677 ang kumpirmadong kaso ng dengue sa lalawigan as of September 18, 2023. Mas mababa ito ng dalawampu’t anim (26) na porsyento kumpara sa naitalang 2,290 kaparehong period noong nakaraang taon.
Ayon kay De Guzman, bagamat bumaba ang bilang ng kaso ay nakakalarma naman ang itinaas ng case fatality sa sakit.

Aniya, mula sa walong nasawi noong nakaraang taon ay umakyat ito sa labindalawa (12) ngayong taon.
Walong buwan ang pinakabatang namatay sa sakit mula sa bayan ng Bugallon.
Kaugnay nito ay muling pinaalalahanan ng opisyal ang publiko sa maagap na pagpapakonsulta ng mga pasyente dahil lumalabas sa imbestigasyon ng PHO na ang ikinasawi ng ilan ay dahil sa late consultation.
Sa ngayon ay mahigpit na binabantayan ng PHO ang mga lugar na mataas na kaso kabila ang bayan ng Bayambang, Bugallon, Balungao, Umingan at San Carlos City. |ifmnews
Facebook Comments