Pumalo na sa 3,269 ang kabuuang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan mula Enero hanggang Hulyo ngayon 2025, batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO).
Pinakamaraming kaso ang naitala sa Rosales (305), sinundan ng Umingan (204), San Manuel (181), Asingan (159), at Mangatarem (144).
Mataas din ang bilang sa Alaminos City, Balungao, Santa Barbara, San Fabian, at San Quintin.
Bilang tugon, pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan, katuwang ang Provincial Health Office, ang mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Pinayuhan din ang mga residente na agad na magpakonsulta kung makaranas ng sintomas tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng kasukasuan, at pantal.
Dagdag pa ng mga health authorities na panatilihing walang naipong tubig sa paligid na maaaring pamugaran ng mga lamok.
Patuloy naman ang koordinadong aksyon ng mga barangay at ng PHO para mapababa ang kaso ng dengue sa lalawigan sa gitna ng patuloy na pag-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









