KASO NG DENGUE SA PANGASINAN, TUMAAS NG 43% AYON SA PHO

Umabot na sa 1, 412 ang kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan mula Enero hanggang Mayo nitong taon, ayon sa tala ng Provincial Health Office.

Mas mataas ito ng 43-porsyento kumpara sa 990 cases ng kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Bumaba naman ang bilang ng nasawi dahil sa dengue at kumplikasyong dala nito na mayroong isang kaso kumpara sa siyam na naitala noong 2020.


Isang 2- buwang gulang na sanggol naman ang pinakabatang tinamaan ng sakit ayon sa awtoridad.

Isinailalim naman sa Watchlist ng PHO ang tatlong lungsod na kinabibilangan ng San Carlos City, Alaminos City at Urdaneta City matapos makapagtala ng mataas na kaso ng sakit.

Dahil dito, muling pinayuhan ng kagawaran ang publiko na ugaliin ang paglilinis sa paligid, paghanap at pagsira sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok na nagdadala ng dengue, self-protection, early consultation at pag-iwas sa indiscriminate fogging.

Tuloy-tuloy naman ang pag-iikot ng kagawaran sa mga bayan at siyudad sa lalawigan upang magsagawa ng libreng konsultasyon at information campaign hindi lamang sa COVID-19 maging sa iba pang sakit.

Facebook Comments