KASO NG DENGUE SA PANGASINAN, TUMAAS NG 70% NITONG BUWAN NG AGOSTO AYON SA P.H.O

Naitala ng Pangasinan Provincial Health Office ang pitumpung porsyento na pagtaas ng kaso ng dengue sa buwan lamang ng Agosto.

Ayon kay Provincial Health Office Chief Dra. Anna De Guzman, sa pinakahuling datos nila ay pumalo sa 3, 586 ang kaso ng dengue, dalawa naman ang namatay habang noong nakaraang taon ay umabot lamang sa 2, 223 lamang ang kaso ng dengue sa parehong panahon na bagama’t mas marami umano ang nasawi noong 2020 dahil sa dengue na umabot naman sa labing tatlo.

Nag umpisa umano ang pagtaas ng kaso noong buwan ng Hulyo at nagtuloy naman nitong Agosto.


Kadalasang tinatamaan umano ng sakit ay mga may edad na lima hanggang labing siyam at mas malaking porsyento dito ay mula sa edad sampu hanggang labing apat na kung saan ang mga ito ay namamalagi sa kanilang tahanan.

Ipinaalala naman ngayon ng tanggapan na ugaliin ang paligid na pwedeng pamugaran ng mga tubig dahil ito ay maaaring pangitlugan ng lamok na may dalang dengue virus.

Pinayuhan din ang mga magulang na bantayan ang mga anak na nilalagnat at kung umabot na sa tatlong araw ay dalhin na ito sa pagamutan dahil bukas naman umano ang ilang health centers.

Umaasa naman sila na sa pagpasok ng buwan ng Setyembre ay mapapababa ang kaso ng nabanggit na sakit.

Facebook Comments